Skip to main content
Symbolum Apostolicum

Sumasampalataya Ako

Ang Kredo ng mga Apostol

The ancient baptismal profession of faith summarizing the foundational apostolic doctrines of the Catholic Church.

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.

Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.

Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Opisyal at tradisyunal na panalangin sa wikang Filipino/Tagalog na ginagamit sa liturhiya at debosyon sa Pilipinas. Sinang-ayunan ng Komisyon sa Liturhiya ng CBCP.

Kasaysayan at Kahulugan

The Apostles’ Creed is considered a faithful summary of the apostles’ faith. Recited at the beginning of the Holy Rosary and in baptismal liturgies, it confesses faith in God the Father, Jesus Christ His Son, and the Holy Spirit.

Audio TrackGlory Be Prayer Studio